Make your own free website on Tripod.com







DIBINONG ESTADO UNIBERSONG SAMAHAN (GEOMETRY OF DIVINITY)














Home | YHWH CAME WHEN I CALLED | MISSIONS | missions1 | missions2 | mission3 | mission4 | MISSION 5 | MISSION 6 | MISSION 7 | BAGYO | BANAHAW | BANAHAW 1 | MARINDUQUE MISSION | BAGUIO MISSION | PYRAMID OF ASIA | NAGCARLAN TOUR | VISIT TO CHURCHES | FIELD RESEARCH | VISITING SHOPS FOR RESEARCH | GEOMETRICAL PLACES | BAPTISM SITE | LINK TO MY OTHER SITES





Welcome graphic








































LINK TO MY BLOG
72names_poster.jpg





MAGANDANG ARAW!

ITO ANG WEBSITE NG D.E.U.S.(G.O.D.)

DITO NAKALAGAY ANG MGA LARAWAN NG PAGGANAP NI KA MON AT NG MGA TOTOONG MGA KASAPI NG SAMAHANG ITO, TUNGO SA PAGGANAP NG MGA SPIRITUAL NA GAWAIN, PAG-AARAL, PAG-SUSURI, AT IBA PA.
 
DITO NAPUPUNTA ANG MGA ORAS, MGA KABUHAYAN, AT IBANG MGA PAG-AARI NI KA MON, KASAMA ANG IBANG MGA KASAPI NG SAMAHAN, PARA SA PAGGANAP NG MISYONG ESPIRITUAL DITO SA LUPA.
 
ANG TANGING INAASAHAN NI KA MON AY ANG TULONG MULA SA DIYOS, AT SA KABUTIHANG-LOOB NG DIYOS NG MGA DIYOS, PANGINOON NG MGA PANGINOON.
 
ANG MGA LARAWAN DITO ANG MAGPAPATUNAY NA ANG MGA LIBRONG INAKDA KO NA INYONG TINATANGKILIK AY NAGIGING INSTRUMENTO SA KAWANGGAWA, SA PAGPAPATULOY NG MISYONG ESPIRITUAL, AT SA PAGSASAGAWA NG MGA BAGAY-BAGAY NA MAY KINALAMAN SA MISYONG ESPIRITUAL.
 
AT KUNG MANGYARI MAN NA MAWALA NA ANG LAHAT NG MGA KASAPI NG D.E.U.S. (G.O.D.), MANANATILI PA RIN SI KA MON SA PAGGANAP NG MGA GAWAING ESPIRITUAL HABANG SIYA AY NABUBUHAY, AT NASA KAKAYAHAN PA RIN SIYA NA KUMILOS, MAG-ISIP, AT GUMANAP.
 
AT HABANG KAYA PA RIN NI KA MON, HANGGANG BINIBIYAYAAN PA RIN SIYA NG DIYOS, MAGPAPATULOY PA RIN SIYA SA ABOT NG KANYANG KAKAYAHAN NA GUMANAP SA ESPIRITUAL, AT MAGSISILBI SA DIYOS NG MGA DIYOS, PANGINOON NG MGA PANGINOON, KAY YHWH, AT SA PANGINOONG JESU CRISTO.
 
DUMATING MAN NA PULAAN AT SIRAAN SI KA MON NINUMAN, MAGPAPATULOY PA RIN SI KA MON NA GUMAWA NG MGA AKLAT ESPIRITUAL HABANG KAYA NIYA, DAHIL ANG KANYANG DAHILAN AY UPANG MAKALIKOM SIYA NG PANTULONG SA MAHIHIRAP, AT KAHIT PAPAANO, SA PAMAMAGITAN NG KANYANG MGA AKLAT, AY MAKATULONG SA ESPIRITUAL NA PAMAMARAAN PARA SA MGA KAPWA TAO.
 
GINAGAWA ITO NI KA MON DAHIL SA KANYANG PAGMAMAHAL SA DIYOS YHWH AT PANGINOONG JESU CRISTO.
 
NANINIWALA SI KA MON KAY DIYOS YHWH AT PANGINOONG JESU CRISTO. SA DIYOS NG MGA DIYOS, PANGINOON NG MGA PANGINOON SIYA GANAP NA UMAASA. ANUMANG MANGYARI SA KANYA, TANGI SIYA LAMANG ANG KANYANG INAASAHAN.
 
ANUMANG MANGYARI SA KANYANG BUHAY, INAALAY NA NIYA ANG LAHAT SA DIYOS YHWH AT SA PANGINOONG JESU CRISTO.
 
 

ANG MISYONG NG KAPATIRAN

ITO ANG LAYUNIN NG ATING SAMAHAN:


1-ISABUHAY ANG TATLONG GINTONG SIMULAIN: MAKADIYOS, MAKABAYAN, AT MAKATAO

2-ISAGAWA ANG PAG-IBIG SA DIYOS, PANANAMPALATAYA AT PAG-ASA SA PAMAMAGITAN NG TIYAGA

3-ISAKATUPARAN ANG KABUTIHAN, KATUWIRAN, KALINISAN, KATOTOHANAN, KADALISAYAN, KALIWANAGAN, AT KABABAAN NG KALOOBAN

4-IPALAGANAP ANG PAGKAKAISA, PAGMAMAHALAN, PAGTULONG SA KAPWA, PAGMIMISYON, PAGLILINIS NG SARILI, AT PAGBABAGO NA PAUNLAD

5-MAGKAROON NG PAGGAGALANGAN, PAG-UNAWAAN, AT PAGMAMAHALAN SA ISA’T-ISA BILANG MGA KAPATID AT KAPWA-TAO

6-MAGING DAKILA SA ISIP, SA SALITA, AT GAWA, PARA SA DIYOS, SA BAYAN, AT TAO

7-IPAGPATIBAY ANG KAUTUSAN NG DIYOS, TUMULONG SA PAGPAPAUNLAD NG KATAUHAN NG BAWAT KASAPI NG SAMAHAN, AT TUMUPAD SA ADHIKAIN NG DIYOS SA TAO


ANG GRUPONG ITO AY PARA SA MGA NAGSUSUMIKAP NA GAWIN ANG KALOOBAN NG DIYOS, AT NAGBUBULAY NITO ARAW AT GABI...

PARA RIN ITO SA MGA MANANAMBA NG DIYOS NG LAHAT NG MGA DIYOS, PANGINOON NG LAHAT NG PANGINOON...

ANG GRUPONG ITO AY PARA SA MGA IGLESIA INDIBIDUAL...NA KALANGKAP ANG MGA MABUBUTING MGA GAWA...

SA MGA TAONG NAGSUSUMAKIT GAWIN ANG KALOOBAN NG DIYOS KAHIT MAG-ISA LANG...

SA LAHAT NG BAGAY, ANG DIYOS AY PAPURIHAN. AMEN






UPANG MAGING KASAPI:

SA MGA NAIS MAGING KASAPI NG SAMAHAN,
SUMAPI PO MUNA KAYO SA YAHOOGROUPS NA DEUS_GOD_HASHEM UPANG MAKASAMA NAMIN KAYO SA PAGNINILAY UKOL SA MGA SALITA NG DIYOS.








































ITO PO ANG AKING EMAIL ADDRESS:

jove_rex_al@yahoo.com.ph

.

ITO NAMAN PO ANG YAHOOGROUPS PO NG D.E.U.S. (G.O.D.)
 
DEUS_GOD_HASHEM

THIS SITE WAS MADE FOR THE GLORY OF GOD THE FATHER AND OUR LORD JESUS CHRIST ON FEBRUARY 7-8, 2009 BY KA MON SAN DIEGO

AD MAJOREM DEI GLORIAM ALPHA ET OMEGA 1,30,5,10,600:300,40,200